At ako’y di bitter.
Lately, umiiyak nako. Pag nanahimik ako, naiiyak ako, pag tumatawa tas biglang maiisip siya. Yes, may isang lalakeng nag paiyak nanaman saken. hahahaha =))
Di ko inisip na magkakaganun nalang.. Akala ko magtitiyaga siya, pero feel ko sa simula lang yun? Yoko ng ganun. tas ako nagmukang tanga.. tanga, tanga, tanga, tanga, tanga, tanga.
Araw-araw sinasabe ko sa sarili ko na.. “Izza, magrereply siya..” “Izza, magkikita kayo..” “Izza, mahal ka niya”. Kahit walang assurance yun. Yung mag aayos ka kasi magkikita kayo, magpapagirly ka, magpapakamahinhin. Tas di kayo nagkita. -_- Ibang klase din tong utak ko eh, mashadong positive. Iniisip ko na may bukas pa, malapit na yan. Tas ngayon, ako’y nagdudusa. Yes, kahit tinatago ko.
Tawa lang ako ng tawa, pag nakikita niyo ko nakangiti naman ako. Di naman ako nagrereklamo or what. Pero kelangan itago, di kelangan ipakita. Why pa? Be happy nalang. Pero yung fact na inaantay mo siyang magreply sayo, tas makikita mo.. “Uy, online siya oh!” tas chachat mo, aantayin mong mag offline siya minsan, baka magreply.. Chachat ko ng.. “B!” or Oy!” tas walang reply. Kung magrerep madalas 3 hours later, tas reply lang “yow”.
Gusto ko lang naman sabihin niya saken kung okay pa ba kame, sagutin niya lang mga tanong ko. Nung una, inisip ko..Ay wag nalang ako magtanong, intindihin ko lang. Pero kung intindi ka ng intindi at di mo alam kung ano dahilan, parang may mali. Tanga tanga mo. At ako yun..
Tas ngayon, wala akong magagawa kundi mag antay.
Darating din yun. Kahit gano katagal.
Pero nalaman kong may load siya, nakkatext niya yung friend niya.
Nalaman ko din na nagsasama sila sa Sm. tas ako.. “ahh, okay.. friends lang yun. di dapat nilalagyan ng malisya” ang baet ko naman. Pero hindi dapat, baka ma maling akala ako eh.
Halos araw araw silang magkasama, tas ako, wala lang.. tangapin nalang.
kahit every tths, inaantay ko siya dumaan sa labasan baka matiyempuhan kaso di talaga eh. Umaasa ako, haha.
Pero promise, miserable ako. Super, gusto ko ng kasama palage, gusto ko umiyak kaso nakakahiya. Wag nalang, peroooooooooooooooo. heartbroken ako, super.
ang tanga tanga tanga tanga ko.. May umamin na may gusto saken, tas nag sorry ako.. tas sila nasaktan ko, ayaw nila ako masaktan, gusto nila ako alagaan tas sa iba ako nagpa-alaga tas biglang nasaktan din ako, sobra pa. Ng di ko alam kung baket ganito.
gusto ko magmura gusto ko pasabugin yung madrigal dormitory, gusto ko pasabugin yung nueva ecija, tas inisip ko, forgive nalang. Ayako maging bitter. Pinag isipan ko talaga.. kahit masaket, forgive nalang. At kung mag ka gf man siya, ayos lang.
Papansinin ko padin siya, =))))))
Kung di ko na kaya, ssbhin ko sakanya. Pero thankful ako sa taong nag advice saken at pinasaya ako, nilibre ako pagkaen at gusto niya busog ako. Sweet lang, haha. kahit sandali lang, naging masaya ako at nakalimutan ko.
ITO lang yun.. Ginagawa ko lahat kaso di pa ba sapat?? anong gusto niya? kulang pa ba? -_- Bagumdum. Dramaqueen ako eh.
